Alas Dos…

Alas dos.
Parehong oras,
Parehong araw – umuulan.
Narito ulit sa krus na daan,
naghihintay – nag-aabang.
Nagbabakasakali, na ikaw ay magkamali;

At dito ay mapadaan kang muli.

Nakaupo,
ulo ay nakayuko.
Naninigas na sa lamig,
nangangatal na yaring bibig.
“B-bumalik ka na…”
Hiling nitong puso’t isipan, sa gitna ng ulanan kasabay ng kulog at kidlat.
Sa boses na namamalat,
sarili’y malapit nang mawalan ng ulirat.
Ngunit bago pa man, saglit na natigilan.
Tumigil yata ang lagapak ng ulan,
sa aking nangungulupaypay na katawan?

Napatingala…
Subalit sa nakikita’y hindi makapaniwala.
Sa sobrang kaba ay hindi halos makapagsalita,
sumisinghap – numinipis ang hanging hinihinga.
Hindi alam kung iiyak ba o tatawa?
Nang ang lalakeng nakayukod sa harapan ay makilala —

Screenshot_2017-07-04-12-42-00-1.png

“S—”

Hindi na nasambit pa ng buo ang kanyang ngalan,
nang sandaling ako’y bigla nyang yakapin at hagkan.
Dito sa krus na daan;
Init ng kanyang pag-ibig ay muli kong naramdaman.
Sa gitna ng kulog at kidlat,
katawang nangangatal – boses na namamalat.
Ang minsang tinapos ay muling dudugtungan, sa kaparehong oras.
Sa parehong araw – sa gitna ng ulanan;
sa ALAS DOS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s