Ikaw at Ako Sa Piling Ng Ulan

Mainit na hininga,
mula sa iyong bibig – dito sa aking leeg ay bumubuga.
Nakakapanghina…
Hawakan mo ‘ko nang mahigpit, sinta.
Iyong matitipunong bisig alalayan ako sa maaring pagkatumba.
Sapagkat ang paglilinggisan nitong ating mga katawan,
hatid ay init na hindi maintindihan.
Apoy na nakakadarang ang dumadaloy sa aking kaibuturan.
Sabayan pa ng pag-indayog ng ating mga balakang.
Saliw sa tugtugin na gawa ng ating mga isipan.
Marahan…
Pakaliwa’t pakanan,
sabay sa banayad na pagyapos ng iyong mga kamay ang ating paggiwang.
Pagsinghap ko ay hindi mapigilan,
kasabay sa malakas na bagsak ng ulan.
Nanlalamig – nagpapakiramdaman..
“Mahal, pwede ba kitang hagkan?”
pabulong mong turan,
Sumikdo ang pagkasabik – kaya’t humarap sa iyo ng biglaan.
Sa iyong leeg ay napayakap – bumagsak ang payong mong hawak.
At sa marahan nitong paglagapak
ay ang tunog ng ulan sa semento ay pumapatak.
Habang ating pinagsasaluhan ang isang eksena na habambuhay sa isipan ko’y tatatak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s