Pagbangon

Isipa’y tila isang madawang na kagubatan – sanga-sangang daan.
Naliligaw sa sariling isipan, hindi alam ang pupuntahan – walang direksyon ang paruruunan.

Mula sa mababaw na pagkakapikit ay biglang napamulat.
Tumambad sa malambong kong paningin ang nakakasilaw na liwanag.
Sinag, mula sa haring araw na mahapdi sa aking mga mata.
Tanghali na, subalit eto’t nakahiga pa.
Ilang gabi na kasing walang maayos na tulog – ilang gabing nagkukumahog.
Sinabayan pa nang walang humpay na pagluha.
Dala ng pagsampal sa akin ng kabiguan sa mukha.

Subalit sa pagsilip ng liwanag sa nakaawang na bintana;
sa patuloy na pagpagaspas ng puting kurtina, na tila ba ito’y sumasayaw na diwata.
Sa paglalaro ng hangin dito – ako ay nakasilay ng pag-asa.

Ako’y huminga ng malalim – pinuno ng hangin ang mga baga.
Kumurap-kurap, kinusot ang namamagang mga mata.
Dahan-dahang bumangon sa kinahihigaang kama.

Ang isipang tila madawang na kagubatan; mga sanga-sangang daan.
Naliligaw sa sariling isipan – hindi alam ang paruruunan.
Inakalang walang direksyon ang paruruunan,
ngayo’y may nasipat na kalinawan.

Ang ilang gabi na pagluha, dala ng labis na kalungkutan,
ngayon ay naisipan ng wakasan.
Sa wakas, akin nang naisipan.
Salamat sa sinag mula sa haring araw – sa hangin…
Ako ay may pag-asang nasilip, at sa wakas ay napaisip – sa pagsampal ng kabiguan ay nasagip.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s